Museo – Eliza Maturan
Nghệ sĩ: Eliza Maturan
Hợp Âm Chuẩn
Ilang oras na akong andito umuwi na nga ang tropa ko
Sino ba naman kasing mag-aakala sa larawan ay matutulala?
Sa likod ng tanawin tila may tumatawag sa 'kin
'Di ko na namalayan papalapit na pala'ng hakbang
'Di ko maiwasang pagmasdan ang 'yong larawan
Kahit 'di mo mamalayan, ikaw lang ang gustong tignan
'Di ko man masabi, kahit na 'di maaari
Puwede ba 'kong manatili? Ikaw lang ang gustong pagmasdan
Tinatawag ako ng 'yong anino naririnig ko rin ang boses mo
Hindi na nga nila ako maunawaan nababaliw na raw sa simpleng larawan
Maaari bang manatili na lang sa museong ito?
'Di ko na namalayan Biglang ayoko na lang lumisan
'Di ko maiwasang pagmasdan ang 'yong larawan
Kahit 'di mo mamalayan, ikaw lang ang gustong tignan
'Di ko man masabi, kahit na 'di maaari
Puwede ba 'kong manatili? Ikaw lang ang gustong pagmasdan
Kay sarap pagmasdan kahit na ilang araw, taon, at buwan
Hindi man maintindihan ng iba tila ako'y nakaramdam ng mahika
'Di ko maiwasang pagmasdan ang 'yong larawan
Kahit 'di mo mamalayan, ikaw lang ang gustong tignan
'Di ko man masabi, kahit na 'di maaari
Puwede ba 'kong manatili? Ikaw lang ang gustong pagmasdan